OFW sa Lebanon sugatan sa bomba

NASUGATAN ang isa pang manggagawang Pinoy makaraang sumabog ang bomba sa pinagtatrabahuhan niyang kumpanya sa Tripoli, Lebanon.

“Our kababayan is lucky he only sustained a shrapnel wound in his right foot. His Sudanese coworker was not—he was killed in the explosion,” ani Charge d’Affaires Elmer Cato sa Facebook post

Matatandaan na ilang linggo pa lamang ang nakararaan ay isang Pinoy rin ang nasugatan sa pag-atake sa Libya kung saan mahigit sa 200 OFW ang nagtratrabaho.

“What happened to our kababayan in Qasr bin Ghashir earlier in the morning underscores the danger that all of us face here in Tripoli as a result of the ongoing fighting just outside its gates,” sabi pa ni Cato.

Hindi rin umano ligtas ang isang ospital sa Qasr bin Ghashir kung saan 18 Pinoy nurses ang nagtratrabaho, dagdag ni Cato.

Bunsod nito, muling hinikayat ng Department of Foreign Affairs ang mga Pinoy sa Libya na umuwi na ng Pilipinas.

“Some of us may not be lucky the next time rockets or mortars rain in on Tripoli. Before the fighting intensifies further and before it gets closer to where many of our kababayan are in Tripoli, we plead to them and to their families in the Philippines to please seriously consider our offer to bring them home while we still can,” payo pa ng opisyal.

Read more...