BLIND item: Sometime in January ay nagpatawag ng dinner ang live-in partner ng isang kilalang local candidate inviting a couple of college friends.
Nagsilbing venue ang isang function room housed in one of three buildings na pag-aari nito.
Dumating naman ang kanyang mga inimbita, some of whom were even wearing the (secondary) color identified with her politician-partner.
Subtly, parang ang mensaheng nais ipaabot ng lady host ay suportahan sana ng kanyang mga guests ang dyowa niya although hindi naman lahat sila’y residente ng siyudad kung saan ito tumatakbong muli.
Came April. Nagkita-kitang muli ang ilan doon at a small get-together na idinaos sa balwarte ng dyowa ng mistress.
Naging paksa nila ang pulitiko, na sa edad niya’y maanong magpahinga na lang at i-enjoy ang kanyang buhay?
Sa sobrang yaman daw nito’y mas makabubuting namnamin na lang nito ang salapi kung saan man ito galing.
Anila, kasuwapangan na raw ang muling pagtakbo in the guise ng pagnanais na maglingkod sa bayan kuno.
Lust for power, greed for money. ‘Yun ‘yon!
Eh, ang mga dyunakis ng pulitikong ‘yon? Ah, mga chip off the old block sila, no doubt.
Like daddy, like kiddie(s)!