Sosyal: Dining table ni Derek sa bahay de-remote | Bandera

Sosyal: Dining table ni Derek sa bahay de-remote

Jun Nardo - April 25, 2019 - 12:15 AM


INILANTAD ni Derek Ramsay sa GMANetwork.com ang bonggang-bonggang bahay niya sa Muntinlupa City.

Ang ginawa niyang pasilip sa kanyang house ay pasasalamat sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at nagpadala ng mga magagandang mensahe sa pagpirma niya sa Kapuso Network kamakailan.

Bukod sa unique home decorations, ang agaw-eksena sa tahanan ni Derek ay ang remote-controlled niyang dining table, huh!

Nasa special webisode ng GMA ang kabuuan ng video ng ginawa nilang paglibot sa loob ng bahay ni Derek pati na ang kakaibang dining table, huh!

Kasalukuyan nang nagte-taping ang hunk aktor para sa una niyang series sa GMA, ang The Better Woman matapos magbakasyon nitong nakaraang Holy Week.

Kasama ni Derek sa nasabing serye ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na nagpasabog naman ng kanyang kaseksihan sa Maldives last week.

q q q

Nagsilbing family bonding ni Sen. Bam Aquino ang Holy Week para makasama ang asawang si Timi at dalawa niyang anak.

Pagod man sa paglilibot sa buong bansa, lagi namang nasa likod niya ang asawa para suportahan ang kandidatura at alagaan ang dalawang anak.

Sa pagbabalik ni Bam sa campaign trailer aminado siyang mami-miss niya ang asawa’t mga anak. Eh, marami naman siyang achievements bilang senador kaya kahit may edge sa ibang senatoriables, nagsisipag pa rin siya upang muling mahalal sa posisyon.

Dagdag na advantage man bilang isang Aquino at suportado ng pinsang si Kris, hindi rason ‘yon kay Sen. Bam upang hindi doblehin o triplehin ang sipag para lalo pang makatulong sa tao at bayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending