INIREKLAMO ni Melai Cantiveros ang isang kilalang travel booking platform dahil sa “poor customer service” na naranasan niya at ng kanyang pamilya nang magbakasyon sila sa Hong Kong.
Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ng kanyang “review” ang Kapamilya TV host-comedienne kabilang na ang naging experience niya sa pakikipag-usap sa bastos na tour guide noong dumating sila sa Peak Tram, isa sa mga sikat na tourist destination sa Hong Kong kung saan makikita ang overlooking views ng kanilang harbors at skyscrapers.
“Itu ay isang Review lang bilang isang costumer ng @klooktravel especially sa KlookHongkong sa may PeakTram experience, kami ng pamilya ko nalulungkot sa trato ng staff nyu sa trip nmin sa Hongkong first time namin makapunta ng magkasama sa Hongkong pero itung experience na itu ang tumatak sa amin ng bad experience sa HK.
“Pinost ko itu para ma aware sila at baguhin nila ang pakitungo nila sa kanilang valued costumer andami pa namang Pinoy tapos ang pakitungo nila is very rude. Natural lang nmn na magtanung, sana di nmn galit sumagut at pasigaw, kasi tayu dtu sa Pilipinas napaka hospitable natin sa mga bisita natin lalo na sa ibang bansa. at hindi kami libre para tratuhin ng ganun kami ay nagbayad mg maayus at deserve na tratuhin ng maayus.
“Ang naka white na lalaki ang tlaga tumatak sa amin na napaka bastos sumagut sa amin di kmi marunong macyado mag english pero alam ko mga galawan nya. nakakalungkot lang tlaga nakakaawa ang mga magsusubscribe sa knila kng ganyang ugali a pakitungo ang ipapakita nila. Nakalagay pa sa voucher na may tour guide pero wala namng tour na ginawa nag distribute lang ng ticket.
“Bago pa yan hinanap nmin ang meeting place tapos nagdistribute pinaglakad pa ng malayu, kawawa mga Sr Citizen na ksama namin, tapos pagdating dun pwede nmn pla dumiritsu dun, tapos narealize nmin na wala nmn pila dun kuhaan ng tiket sa peaktram experience, at mura lang kaysa sa binayad nmin sa klook na ganun pa ang trato sa amin.
“So lesson learned namin na expected na ng mga destination ang dagsa ng tourist kaya di na pila sa pagkuha ng tiket, mas ok pa na pumila kaysa mag subscribe dtu na parang nagmamakaawa pa Tapos minamadali pa kami na mas nauna nmn kmi sa knila duun sa meeting place. Ang matagal iiwan parang ganun, kaya kmi nmm Paspas.
“Habang nag announce sila walang Megaphone na di rin marinig ng karamihan kasi marami kaming nakaabang Kaya nadismaya ako Pinost ko itu hindi para maparusahan ang nasa picture kundi para ma aware sila na may mga tao na nagrereact sa knilang ugali at sa susunod nilang mga costumer ay di na nila gawin itu kasi ang bakasyun ay memories to keep hindi memories to forget,” mahabang litanya ni Melai.