ISANG malakas na aftershock ang muling yumanig ngayong umaga sa mga lugar na nakaramdam ng magnitude 6.1 lindol noong Lunes.
May lakas na magnitude 4.5 ang aftershock, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang epicenter ng lindol ay 20 kilometro sa kanluran ng Castillejos at may lalim na dalawang kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity IV na paggalaw sa Porac, Pampanga.
Intensity III naman sa Olongapo City; Bacolor, Pampanga; San Ildefonso at Obando, Bulacan; Olongapo City; at Guagua, Pampanga.
Intensity II naman sa Quezon City; Muntinlupa City; Taguig City; Manila City; Marikina City; Pasay City; Malabon City at Navotas City.
Intensity I ang naitala sa Talisay, Batangas; Tagaytay City; Palayan City; Quezon City; Pasig City; Gapan City; Malolos City, Bulacan; at Magalang, Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.