P109M Super Lotto jackpot bukas

By Leifbilly Begas April 24,2019
share this

P109M Super Lotto jackpot bukas

By Leifbilly Begas April 24,2019
share this

INAASAHANG aabot sa P109 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola sa Huwebes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa winning number combination na 17-11-23-40-36-03 sa bola Martes ng gabi. Umabot sa P105.3 milyon ang actual jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P37,110 ang 25 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P700 naman ang tinamaan ng 1,046 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 18,330 mananaya na nakatatlong numero.

Mula noong Enero 31 ay wala pang tumatama sa jackpot prize ng Super Lotto.

Tatlong beses tinamaan ang jackpot prize nito ngayong taon. Una noong Enero 20 na nagkakahalaga ng P25.2 milyon, sumunod noong Enero 27 na nagkakahalaga ng P15.8 milyon at huli noong Enero 29 na nagkakahalaga ng P15.8 milyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending