Jodi lutang na lutang sa Mea Culpa; Ketchup agaw-eksena

JODI STA. MARIA AT KETCHUP EUSEBIO

Watched ABS-CBN’s newest teleserye, Sino Ang Maysala? Mea Culpa and to us it was a very well-polished soap opera.

Nagpunta ang mag-kakaibigang sina Bela Padilla, Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi, and Ketchup Eusebio sa Baguio to celebrate their victory dahil nakapasa sila sa bar. Nakabangga sila ng babae na kanilang inilibing at kinupkop ni Bela ang batang natagpuan nila malapit sa pinaglibingan nila ng babae.

Noon una ay nag-away ang magbabakarda dahil hindi nila alam ang gagawin sa bangkay ng babaeng nasagasaan nila. Lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa pinulot na baby ni Bela.

As a teleserye, the narrative and the acting of the main cast is the show’s main attraction. It is quite unique because no one in the past has delve into the story about fresh law graduates.

It was an ensemble acting where lahat ng major cast, maging supporting members, ay magagaling. But easily, it was Kethcup who stood out. Ang galing-galing niya bilang lawyer na na-guilty sa ginawa niya.

Lutang na lutang ang kanyang character especially in one scene na akala mo ay magsu-suicide na siya.

In the week-long episode we saw, lutang na lutang rin ang galing ni Jodi Sta. Maria bilang ina na nawalan ng anak. Grabe ang transformation niya bilang mahirap na nanay na taga-Baguio.

Maganda ang character exposition. Si Tony ay anak ng mayaman na tatakbo sa politika. Si Ivana Alawi ay battered wife ni Jay Manalo. Si Bela Padilla ay maawaing lawyer. Si Kit Thompson ay mapangahas na guy na may gusto kay Ivana kahit na may asawa na ito. Si Sandino Martin ay baklitang bagong graduate ng law.

Interestingly, sino sa kanila ang bibigay at aamin sa ginawa nilang krimen?

Read more...