Male netizens tulo-laway sa katawan ni Andrea Torres

ANDREA TORRES

Mismong ang mga netizens na ang bumoto kay Kapuso sexy siren Andrea Torres bilang sexiest woman sa local showbiz ngayon.

Patunay daw dito ang mga bikini photos ng dalaga na kuha sa island paradise ng Maldives.

Pinaglaway na naman ni Andrea ang kanyang male fans sa sunud-sunod na pagpo-post niya ng litrato sa Instagram kung saan kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan in her blue and pink swimswear.

Nag-stay ang dalaga kasama ang kanyang pamilya sa bonggang Faarufushi, na isa sa mga kilalang resort sa Maldives. Doon sila nag-spend ng Holy Week.

Siyempre, tulo-laway ang mga followers ni Andrea nang bumandera ang kanyang hubad na katawan. Komento nga ng ilang netizens kung may pa-survey na gagawin ngayon sure winner na ang Kapuso actress bilang sexiest woman 2019!

Read more...