Pinay domestic helper sa HK guilty sa pagnanakaw sa isang Japanese clothing store

NAGPASOK ng guilty plea ang isang Pinay domestic worker sa Hong Kong sa kasong theft matapos magnakaw ng mga paninda sa isang Uniqlo store.

Nakilala lamang ang OFW bilang Lulu A.P., na pinatawan ng tatlong araw na pagkakakulang ng Eastern Principal Magistrate Peter Law, ayon sa ulat ng Hong Kong News.

Sinuspinde naman ng judge ang kanyang parusa ng isang taon, kung saan hindi na niya kailangang makulong kung hindi gagawa ng krimen sa susunod na 12 buwan.

Kumuha si Lulu ng walong pares ng medyas at boxer shorts mula sa Japanese clothing store, gayundin ang tatlong payong at isang handbag.

Inilagay niya ang mga ninakaw sa kanyang backpack at lumabas ng tindahan, dahilan para tumunog ang alarma.

Nangyari ang insidente noong Marso 17 sa Causeway Bay branch.

Nabigo si Lulu na magpakita ng resibo sa mga opisyal ng tindahan, dahilan para siya arestuhan,

Nauna nang nagpasok si Lulu ng not guilty, bagamat pinalitan niya ito matapos na makumbinsi ng isang kaibigan.

Plano na sana ni Lulu na bumalik ng Pilipinas bago mangyari ang insidente at hiniling sa pagdinig na payagan siyang makauwi.

“Ako po ay nakikiusap kung pwede ako i-allow na maka-uwi na ng Pilipinas,” sabi ni Lulu. “Handa na akong umuwi for good bago nangyari ito.”

Read more...