P134M Grand Lotto jackpot bukas

By Leifbilly Begas April 23,2019
share this

P134M Grand Lotto jackpot bukas

By Leifbilly Begas April 23,2019
share this

INAASAHANG aabot sa P134 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito sa Miyerkules ng gabi.

Hindi tinamaan ang P129.9 milyong jackpot prize ng 6/55 sa bola noong Lunes ng gabi kung saan lumabas ang winning number combination na 29-32-39-08-35-02.

Nanalo naman ng tig-P146,060 ang pitong mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,660 naman ang 491 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik-taya ang 11,313 mananaya na nakatatlong numero.

Noon pang Enero 23 walang tumatama sa jackpot prize ng Grand Lotto.

Huli itong tinamaan noong Enero 21. Isang mananaya ang nanalo ng P239.2 milyong jackpot prize.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending