Vina ibinandera ang husay sa pagkanta…at paglalaba

ALIW na aliw kami sa video na ipinost ni Vina Morales na habang nagwawalis siya ay kumakanta (May I Have this Dance mula sa VST & Co) sabay turo sa mga lalabhang mga damit.

Ito yung mga ginamit nila ng anak na si Ceana mula sa pagbabakasyon nila sa Nusa Penida Island, Bali, Indonesia at sa Tagaytay City.

Ang caption ng singer-actress sa video, “Istiiii ning initaaaa MAKABUANG. Galing lang ako ng Bali ug Tagaytay, Sussss karon naglinis naku sa balay Kauban nila, kadaghan labahin ni Inday Beena. Ambotttt. Gi atuttttt Kay init kaayo pero Disco disco lang ku while cleaning.

“Inday Beena loves to sing while cleaning! MAY I HAVE THIS DANCE by VST & company ohhhh Unsa SAYAW NA TAH? LOL!”

Umabot na sa 142K likes at mahigit 500 comments ang nakuha ng post na ito ng aktres dahil naaliw din sila sa ginawa ng singer-actress.

Oo naman, marunong talagang maglinis ng bahay si Vina, maayos siya sa lahat at organisado kaya kahit wala siyang kasambahay ay kaya niya ang mga gawaing bahay. Pero siyempre dahil back to teleserye na ulit ang aktres sa Sandugo mula sa Dreamscape Entertainment kaya kailangan niya talaga ng kasama sa bahay.

At dahil nakakaaliw naman talaga ang video ni Vina kay pinik-ap ito ng ABS-CBN News. Reaksyon naman ni Vina,

“Halaaaaa si Inday Beena na news kabuang ning bayhana sa iyang post manggawas ang mga bisaya hahaha aguyyy tawon. Daghang salamat mam ser unsaun na nah rah. Ayo ayo mo Tanan ha, Amping.”

 

 

Read more...