SAMANTALA, bukod sa pagbibida sa Descendants of the Sun, marami pang nakalinyang proyekto ang GMA para kay Dingdong Dantes kabilang na ang paggawa ng pelikula para sa GMA Pictures at pagdidirek sa mga bagong programa ng Kapuso network.
Kaya naman super thankful si Dingdong sa tiwala at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng GMA sa loob ng 21 taon,
“Higit kalahati ng buhay ko nasa GMA ako. Dito ko nakilala ang asawa ko. Dahil nakilala ko siya, siyempre kinasal kami. Dito kami nagkaroon ng panganay, at ngayon nagkaroon ng pangalawang anak. Lahat ng mga highlights ng buhay ko ay naganap within GMA.”
Dagdag pa niya, “Hindi ko rin naman in-expect na magagawa ko ang nagagawa ko ngayon noong nag-uumpisa ako. Pero dahil binigyan nila ako ng opportunity to explore what I can do, naging posible ‘yun.
“Kaya ngayon na mayroon ulit na renewed ties with the network, with my family, excited ako sa mga puwedeng gawin together. Siyempre nagbabago ang landscape, nagbabago ang lahat ng gusto ng tao, pero sinisiguro kong handang-handa kaming ibigay ang gusto nila,” lahad pa ng award-winning actor.
Tinawag ding Son of GMA ni Atty. Felipe Gozon si Dingdong dahil sa pagiging loyal nito sa network, “Tayo ang very proud na hindi lamang siya dito na-develop, and he is now one of the most outstanding actors not only in GMA but in the whole country.”
Bukod kay Gozon, present din sa contract signing ni Dingdong sina GMA President and COO Gilberto Duavit, Jr., GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth Rasonable at ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment.