KathNiel fans naiyak sa viral HK video nina Daniel at Kathryn

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

IBANG kilig ang dulot ng photos and videos which showed Daniel Padilla visiting Kathryn Bernardo sa shooting nito sa Hong Kong.

Napatalon sa labis na tuwa at napayakap nang napakahigpit si Kath sa kanyang boyfriend pagkakitang-pagkakita niya rito.

Kulang na lang ay humagulgol sa labis na tuwa ang dalaga. Sweet na sweet talaga ang young couple kaya naman sobrang kilig ang kanilang fans all over the world.

“Grabe kahit paulit ulitin ko sarap talaga panoorin nilang dalawa. Sobrang saya.”

“Sa totoo lang iba talaga tong relasyon na to sa mga ABS artists tumatagos sa puso lalo yung pagka miss ni kath tagos na tagos.”

“Sa edad kong ito ngayon lang ako naiyak sa sobrang kilig.”

“Very loving si Kath and clingy sweet which is a sign of great love.”

“Grabe ang saya saya ko at lahat ng kathniel fans o my god, these two they’re really and truly deeply in love.”

“Yung ngiti ni Danyel – ngiting tagumpay!!! Tagumpay sa pagsurprise sa kanyang Tangi. Tagumpay sa pagpapasaya kay Tangi. Tagumpay sa pagpapakita ng tunay na pagmamahal kay Tangi.

“Kahit malayo. Kahit malapit. Ang mundo mo ay hindi saan. Kundi, sino. Ikaw ang aking mundo.”

“Ibang klase talagang magmahal si DJ! Kaya naman love na love rin siya si Kath. Yan ang dapat tularan ng mga kabataan ngayon. Goodluck KathNiel!”

‘Yan ang reaction ng KathNiel fans sa kumalat nilang video sa Hongkong.

Read more...