Anak nina Mikee at Dodot pasadong matinee idol

PWEDENG-pwedeng maging matinee idol ang anak nina Mikee Cojuangco at Robert “Dodot” Jaworski na si Robert “Robbie” Vincent.

Napakaguwapo naman kasi talaga ng bagets at ayon nga sa mga netizens, pasadung-pasado ang binatilyo na maging artista.

Ngayong pa nga lang ay napakarami nang fans ni Robbie, lalo na sa social media.

Tulad ng kanyang father and legendary lolo na si Robert Jaworski magaling din siyang basketball player. The young cager was among the representatives of Brent International School at the International Schools Activities Conference last April, 2017.

Read more...