NO-show si Pangulong Duterte sa opening ceremong ng Boao Forum of Aisa manila Conference sa Shangri-la Fort, Taguig City ngayong gabi dahil sa masamang pakiramdam.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nasa Davao City pa rin si Duterte matapos namang maramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa Metro Manila at karatig na mga lugar ganap na alas-5:11 ng hapon.
“He was in his Davao residence when the earthquake struck. He is not feeling well due to his punishing schedule and successive campaign sorties,” sabi ni Panelo.
Base sa opisyal na iskedyul ng pangulo, nakatakda sanang magsalita si Duterte sa Boao Forum ganap na alas-6:30 ng gabi.
Natuloy naman ang forum sa kabila ng pagkaantala pansamantala matapos ang naramdamang lindol.