Karambola: 1 patay, 3 sugatan

By John Roson April 22,2019
share this

Karambola: 1 patay, 3 sugatan

By John Roson April 22,2019
share this

NASAWI ang isang babae habang tatlo pa katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang mag-karambola ang isang motorsiklo, tricycle, at van sa Calauag, Quezon, Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Ma. Arvie Joy Robis, 24, isa sa mga sakay ng tricycle, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sugatan naman ang driver ng tricycle at kinakasama niyang si Remuel Noriesta, pati mga anak nilang sina Rowie, 2, at Joliane, 5 buwan.

Naganap ang insidente dakong alas-10, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Binutas.

Binabagtas ng Mitsubishi L300 van na dala ni Arnold Paulite at motorsiklo ni Richard Olarte ang direksyon patungong norte, nang magkasunod silang masalpok ng tricycle na dala ni Noriesta, ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-swerve pakaliwa ang tricycle, ayon sa pulisya.

Dinala ang mga sakay ng tricycle sa St. Peter General Hospital, ngunit di na umabot nang buhay si Robis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending