P105M jackpot ng Super Lotto bukas

POSIBLENG umabot sa P105 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola nito bukas ng gabi.

Hindi tinamaan ang P101.2 milyong jackpot prize ng Super Lotto sa bola noong Abril 16 kung saan lumabas ang winning number combination na 17-41-26-19-37-47.

Nanalo naman ng P70,000 ang walong mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,250 naman ang 550 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 11,750 mananaya na nakatatlong numero.

Mula noong Enero 31 ay wala pang tumatama sa jackpot prize ng Super Lotto.

Ngayong taon ay tatlong beses tinamaan ang jackpot prize ng Super Lotto. Una noong Enero 20 na nagkakahalaga ng P25.2 milyon, sumunod noong Enero 27 na nagkakahalaga ng P15.8 milyon at huli noong Enero 29 na nagkakahalaga ng P15.8 milyon.

Read more...