CONFIRMED! Si Dingdong Dantes na ang bibida sa Filipino adaptation ng hit Korean drama series na Descendants of the Sun. Ipinalabas sa GMA ang Tagalized version nito na pinagbidahan ng Korean superstar na si Song Joong Ki.
Ito ang in-announce kanina sa presscon ng Kapuso Primetime King matapos siyang mag-renew ng exclusive contract sa Kapuso Network. Si Dingdong ang napili ng management para gumanap na “Big Boss” sa Descendants of the Sun.
“Preperations, wala pa talaga masyado. Binubuo pa talaga yung buong show. But I’m more than very physically prepared, I’m emotionally, spiritually prepared, lalo na napakaespesyal nito,” pahayag ni Dingdong na mas inspired at mas motivated ngayong magtrabaho dahil sa pagsilang ng second baby nila ni Marian Rivera na si Baby Ziggy.
“Iba yung inspirasyon ko ngayon at hugot ngayong chapter nitong buhay ko at masayang-masaya ako na sa akin pinagkatiwala itong project na ‘to,” pahayag pa ng mister ni Marian na talagang pinanood ang kabuuan ng DOTS.
So, ang tanong, sino kaya ang maswerteng mapipili na gumanap sa karakter ni Dr. Kang Mo-yeon na binigyang-buhay ng Korean actress na si Song Hye Kyo? Yan ang ating aabangan!