Anne aminadong tumaba: Food is life, eh!

TUMABA si Anne Curtis matapos ang ilang araw na pagbabakasyon sa California nitong nakaraang Holy Week vacation.

Kitang-kita sa mga latest photos niya sa Instagram na kuha mismo ng asawa niyang si Erwan Heussaff ang medyo paglaki ng kanyang tiyan at balakang.

Sa caption ng naturang Instagram post, ibinahagi ng TV host-actress kung bakit hindi siya nakaharap sa camera, “May burger pa sa tummy ko.”

“Finally some (sun emoji) in Napa! Last cheat day tomorrow! Promise workout pagbalik!” hirit pa ng Showtime host.

Pinusuan naman ng ilan niyang mga kaibigan at followers ang kanyang mga Instagtam photo pero may hugot naman ang komento ng personal workout trainer niyang si Arnold Aninion.

Sey nito, “We have work to do.” Na pabiro namang sinagot ni Anne ng, “Let’s get rid of the burger! And pizza, and fries, and steak, and pasta and ice cream.”

Samantala, may netizen namang nagkomento ng, “Parang tumataba ka ann?” Na nireplayan naman ng aktres ng, “I knoooooooow! Food is life e. Seeeeeeerh.”

Read more...