Solenn, Nico na-frontpage sa US dahil sa Golden State Warriors

SOSYAL! Na-frontpage pala ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa isang American newspaper kamakailan.

Ang photo nila ang bumandera sa San Francisco Chronicle na kuha habang nanonood sila ng NBA Playoffs sa California.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Nico ang screenshot ng nasabing article na may malaking photo nilang mag-asawa suot ang kanilang Golden State Warriors shirts.

Ipinost din ni Solenn ang nasabing picture sa IG na may caption na, “Nico as a millennial, thinking he didn’t know the meaning of shookt. I thought wrong. What an amazing experience to be able to watch the Playoffs live, one for the books!”

Read more...