TNT Boys tuloy ang pag-aaral kahit super busy sa career


TNT Boys composed of Mackie Concepcion, Keifer Sanchez and Francis Concepcion are featured in “TNT Boys Listen: The World Tour” starting this month.

Makakasama nila ang special guests na Filipino-American artists na nakilala sa US, kabilang na ang child prodigy na si Angelica Hale (America’s Got Talent), pop and R&B singer na si Cheesa (The Voice), at ang musician na si Troy Laureta. Magbabahagi rin ng performances ang hiphop dance group na Str8jacket mula sa “World of Dance.”

Base sa unang major concert ng TNT Boys noong Nobyembre 2018 na siyang nagtalaga sa kanila bilang mga pinakabatang Pinoy sold-out concert performers, magsisimula ang concert tour sa Chabot College, Hayward California ngayong Abril 23, na susundan naman sa The Theater at Ace Hotel, Los Angeles, California sa Abril 25. Lilipad naman sila papuntang Canada ng Abril 27 at magpe-perform sa Edmonton Expo Centre, Alberta sa Abril 27.

Kamakailan, naging bahagi sila ng moving up ceremony ng Christian Filipino Academy, kung saan nakakuha si Mackie Concepcion ng certificate of excellence sa Math, si Keifer Sanchez sa English, at si Francis Concepcion naman sa Araling Panlipunan.

They have just launched their first single, “Together We Fly,” isang ang bago at orihinal na awitin na ipinrodyus at ire-release sa ilalim ng TNT Records.

Read more...