Barbie Imperial rumesbak sa bastos na basher: Bakit pati di pantay na boobs big deal!?


PATI boobs ng Kapamilya young actress na si Barbie Imperial ay pinagtripan ng mga bashers.

Nag-post kasi ang dalaga ng kanyang sexy photos sa Instagram kung saan medyo aninag ang hugis ng kanyang dibdib.

Nakasuot ng swimsuit top at maong shorts ang dalaga habang nasa sa isang beach resort. Pinusuan ng netizens ang kanyang sexy photos at pinuri pa ang kanyang petite body at makinis na balat.

Pero may ilan ding haters ang nag-post ng malilisyoso at bastos ng mga komento laban kay Barbie. Ayon sa isa niyang follower bakit daw hindi pantay na boobs niya, sana raw ay inayos muna ito ng dalaga bago nagpakuha.

May isa namang nagsabi na parang nagparetoke raw ng boobs ang aktres kaya hindi na pantay ang mga ito.

Niresbakan naman sila ni Barbie at nag-dialogue ng, “Bakit pati di pantay na dede sobrang big deal,” na may kalakip na cold sweat at laughing-with-tears emojis.

Read more...