SWS: China dapat umalis sa WPS | Bandera

SWS: China dapat umalis sa WPS

Leifbilly Begas - April 21, 2019 - 02:41 PM

NANINIWALA ang maraming Filipino na dapat umalis ang China sa lugar na inuukupa nito sa West Philippine Sea, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations.

Tinanong ang 1,440 respondents kung sang-ayon ang mga ito o hindi sa pahayag na: “Ang paghabla sa ICC ni Albert Del Rosario at Conchita Carpio-Morales, dating opisyales ng PH government, laban kay Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, tungkol sa walang-karapatang paninira ng Tsina sa hanapbuhay ng mga mangingisdang Pilipino ay nagpapakita sa mundo na dapat umalis ang Tsina sa mga islang inokupa nya sa West Philippine Sea.”

Sumagot ang 49 porsyento ng pagsang-ayon (27 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 22 porsyentong medyo sumasang-ayon) at 17 porsyento ang hindi sumasang-ayon (7 porsyentong lubos na hindi sumasang-ayon at 10 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon).

Ang 28 porsyento ay undecided at hindi sumagot ang anim na porsyento.

Ginawa ang survey mula Marso 28-31. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending