Jeep ng mga maga-outing sumalpok; 2 patay, 17 sugatan

 

DALAWA katao ang naiulat na nasawi at di bababa sa 17 ang nasugatan nang maaksidente ang jeep na kanilang sinakyan patungi sana sa outing, sa Ibaan, Batangas, Sabado ng umaga.

Naganap ang insidente sa spillway sa Brgy. Balanga, dakong alas-11:15, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Minamaneho noon ni Wilfredo Macabubud, 59, ang jeepney (DVA-471) mula Calamba City, Laguna, patungo sa bayan ng Lobo, kung saan sana maga-outing ang 18 niyang sakay.

Sumalpok ang jeep sa concrete barrier kaya nasugatan ang driver at mga sakay.

Nahugot lahat ng sakay ng jeep alas-11:50 at itinakbo sa pinakamalapit na ospital, ayon sa pulisya.

Dalawa sa kanila ang nasawi at 17 ang nasugatan, ayon sa isang ulat sa radyo.

Iniimbestigahan pa ng lokal na pulisya ang sanhi ng insidente. 

Read more...