Coco, Yassi huli sa Akto: Sweet na sweet sa Japan

COCO MARTIN AT YASSI PRESSMAN

Pinakilig nina Coco Martin at Yassi Pressman ang netizens nang kumalat ang mga sweet photos nila sa social media na kuha sa Japan.

Magkatambal pa rin ang dalawa sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano. Last April 18 pumunta ng Japan sina Coco at Yassi kasama ang iba pang cast members ng serye para sa Kapamilya Fiesta World Japan na gaganapin ngayong araw.

Sa official Instagram account ni Coco na @cocomartin_ph, naka-post ang ilang litrato nila ni Yassi. Aniya nagkaroon ng chance ang kanilang grupo na mamasyal sa Asakusa Temple sa Tokyo, Japan kamakalawa.

Sa mga nasabing photos napansin ng netizens na sweet na sweet sina Coco at Yassi. Sa isang litrato, makikitang tila tinutulungan pa ni Coco ang dalaga sa pag-aayos ng mga dala-dalang gamit nito.

Siyempre, may ilang naglagay ng malisya at kulay sa mga litrato nila at nagsabing mukhang nagkakamabutihan na nga raw ang dalawa. Pero may mga nagkomento naman na sadyang gentleman lang talaga si Coco dahil may Julia Montes na ang binata.

Kamakailan ay napabalitang nanganak na umano si Julia sa panganay nila ni Coco pero until now ay wala pang official statement ang rumored couple tungkol dito.

Read more...