P.4M shabu nasabat sa NAIA

NAIA

ARESTADO ang isang banyaga nang makuhaan ng mahigit P400,000 halaga ng hinihinalang shabu, sa Ninoy Aquino International Airport, Martes ng gabi, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakilala ang banyaga bilang si Mike Taman, 47, isang Palau national, sabi ni PDEA spokesman Derrick Carreon.

Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA, National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, at iba pang ahensiyang pangseguridad ang interdiction operation sa final security checkpoint ng NAIA Terminal 3, dakong alas-9:30.

Naharang si Taman habang pasakay na sa United Airlines flight UA-192, ani Carreon.

Nakumpiska sa kanya ang aabot sa 59.5 gramo, o aabot sa P404,600 halaga, ng hinihinalang shabu. 

Read more...