Bong ipaglalaban ang pagbaba ng bayad sa sinehan

BONG REVILLA

WE have to give it to Bong Revilla. He still has it. The charisma, we mean.

When he went on stage during the proclamation rally in Pandi, Bulacan kung saan tumatakbo muling mayor si Enrico Roque, halos magkagulo ang mga tao.

Nakabibinging hiyawan ang ibinigay sa kanya, talagang nakakaiyak ang senaryo.

“Nakakatuwa dahil siyempre, despite ng mga pinagdaanan ko sa buhay, makikita mo na nandoon pa rin ang tiwala at pagmamahal ng taumbayan. Anywhere I go, maririnig mo ang sigaw, pananabik lalo na ang pagyakap nila sa iyo. ‘Pinagdasal ka namin. Alam naming wala kang kasalanan.’ Kikilabutan ka,” say ni Bong who’s running for a senate seat again.

“Sa tingin ko, ‘yung simpatya dahil hindi mo na malaman kung sino ang kalaban mo na ngayon, eh, dahil kahit saan ang banat, kaliwa, kanan, likuran. Ang sabi ko, na kay God na eh. Total surrender na ako. ‘Yung paglabas ko hanggang sa paglaban ko, nasa Kanya na iyon. Basta ako naniniwala na kung mangyayari yan, destiny ‘yan,” he added believing na mas madumi ang politika now.

“Sa lahat ng laban na hinarap ko ito ‘yung pinakamadumi sa national,” he said.

Kasama sa goal ni Bong na pababain ang ticket price ng sine in the future.

“Sa movie industry, alam naman nating lahat na talagang down ang movie industry. Nagkakaroon na ako ng initial talks with the theater owners. Sinasabi ko sa kanila, I think we have to lower the price of theater tickets.

“Natulungan ko naman sila sa amusement tax nila na nagawa nating mas mababa, siguro naman it’s high time na bawasan ang ticket price. Kung ayaw nila sa foreign films ibaba, ‘yung local ibaba natin,” he said.

Read more...