Horoscope, April 18, 2019

By Madam Sophia April 18,2019
share this

Horoscope, April 18, 2019

By Madam Sophia April 18,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Mabilis na aangat ang kita kung patuloy na magbibigay ng palihim sa mga taong kapos palad. Malapit na malapit mo ng matupad ang lahat ng ambisyon mo sa buhay, basta ang mahalaga ay hindi katitigil. Sa pag-ibig, hindi kailangang ikaw ang mahalin, sa halip, ikaw ang unang dapat na magmahal ng walang hinihintay na kapalit. Mapalad ang 5, 17, 27, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Iwasan ang pagbigla-biglang pagkilos! Sinupin ang kabuhayan, mag-isip ng paraan upang makatipid sa pang araw-araw na gastusin. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na kung paano paliligayahin ang kasuyo ngayong panahon ng tag-araw – mag swimming! Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Tanggalin ang maraming iniisip, ipriority ang pera at pagpapayaman. Sa pag-ibig, tandaan mo kapag marami kang pera, ito ang magbibigay ng dagdag na saya at masarap na romansa. Mapalad ang 3, 7, 21, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Lilac at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Wag mag-kunwari! Ilantag at ilabas ang tunay na sarili upang umunlad. Sa negosyo, laging maging tapat at totoo sa kausap upang mas kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Gray at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Isang Capricorn ang makakatulong upang malusutan ang mga pagkakautang. Sa pag-ibig, tuloy ang binabalak na pagswi-simming ngayong tag-araw. Upang sumigla sa aspetong pang-sexual mapalad ang kulay na pula. Buena sang 7, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Bukod sa red buenas ang green.
Leo – (July 23 – August 22)—Ang pagkaubos ng salapi ay pasimula lamang ng magandang pasok ng pera sa susunod na buwan. Sa negosyo, magsisimula ng umangat ng husto ang kabuhayan. Sabayan mo ito ng malawakang pagtitipid upang lalo ka pang yumaman. Sa pag-ibig, nalulungkot ang kasuyo, ikaw na kasi ang mag kusa na umaya sa kanya sa isang outing. Mapalad ang 1, 8, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Violet at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— May kokontra na naman sa binabalak, wag magpadaig sa iba! Sa pinansiyal, kung papairalin ang tigas ng loob mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, ma-satisfied na sa minsanang pakikipag-date sa kasuyong mahilig. Mapalad ang 1, 5, 22, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Blue at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Umpisahan na ang pag-iipon. Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Virgo ang laging taya, sumama ka lang ng sumama Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Isa-isa ng matutupad ang mga pangarap ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation at pagdarasal upang lalong gumanda ang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dad-Bra.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May darating na bagong pag-ibig ngayong tag-araw. Pag handaan ang nasabing bagong pag-ibig na maghahatid ng panibagong sigla. Sa pinansyal, habang umiibig tuloy ang pasok ng maraming pera. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Tama ang iniisip mo, sa pagtitiyaga mas madaling makakamit ang tagumpay. Sinop-sinop lang ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa mapapahinuhod mo rin sa iyong kagustuhan ang kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Narada-Nameh-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Makuntento sa kasalukuyang buhay. Sa pinansiyal, wag masyadong gahaman sa salapi. Sa pag-ibig, may mas mahalaga kaysa sa pera, ang buo at masayang pamilya. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Gray at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Pahalagahan ang mga mahal sa buhay. Paglaanan ng budget at panahon ang leisure activities kasama ang buong pamilya. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, mag-ukol ng panahon sa papamasyal at sapat na oras para sa romansa. Mapalad ang 7, 17, 29, 37 40 at 46. Ang mahiwaga mong mantra na dapat na laging tandaan: “Rejoice with your family in the beautiful land of life.” Pink at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending