Marian nanganak na sa 2nd baby nila ni Dingdong; Pinangalanang Jose Sixto Dantes IV

ISINILANG na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang second child nila ni Dingdong Dantes ngayong araw, April 16.

Ibinahagi ni Dingdong ang good news sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato ng asawa kalong ang baby.

“Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35pm today. (smiley emoji),” unang mensahe ng aktor.

Base sa IG photo ng Kapuso Primetime King, isinilang ang sanggol sa Makati Medical Center.

Sa kanyang caption ni-reveal din ni Dingdong ang name ng kanilang baby boy, “Thank you vey much for praying with us. (thank you emoji). Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV!”

Bumaha naman ng pagbati sa social media mula sa kanilang fans and followers, kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz.

Read more...