SIMULA na ng Lenten season at siguradong lahat tayo ay may kanya-kanya nang plano sa paggunita ng Semana Santa.
May pupunta ng beach, may mamumundok or hiking and camping at may mga mangingibang bansa para doon magpalamig dahil nga mas tumitindi pa ang init dito sa Pilipinas.
At siyempre, meron ding mga Team Bahay na mas gustong manatili lang sa kanilang mga tahanan para magnilay-nilay at makasama ang kanilang pamilya.
Narito naman ang mga plano ng ilan sa favorite celebrities n’yo ngayong Holy Week.
SUNSHINE DIZON
“We really want to visit Osaka, Japan this Holy Week. Tsaka baka doon na rin mag-celebrate ng birthday ang daughter ko na si Doreen.
“Looking forward kami sa food doon of course! And the kids are very excited kasi they want to visit the Harry Potter theme park sa Universal Studios.”
GABBI GARCIA
“Matagal na naming balak na pumunta sa Bohol ng buong family. Bonding-bonding. Looking forward talaga ako sa relaxation and sa dagat.”
JOSHUA GARCIA
“Feeling ko, pupunta kaming Hong Kong nina Julia (Barretto) kasama yung mga pinsan niya. Never pa kasi ako nakakapag-Disneyland, e, so sinabihan ko siya kung puwede kaming mag-HK. Sabi niya, oo daw, pupunta kami ng Disneyland saka sa Ocean Park ba yun?”
JASMINE CURTIS
“We’re planning to go out of town. You know, beach, swimming. If ever I’ll probably be at La Union so see you guys there!”
INAH DE BELEN
“Ang sinabi lang ng mom ko (Janice de Belen) sa amin, ‘O, huwag kayong aalis nitong Holy Week, ah. Sa akin lang kayo ng buong linggo.’ So, I’m not sure pa kung saan kami pupunta this Holy Week pero definitely, I’m gonna be with my mom.”
SANYA LOPEZ
“Makiki-third wheel ako kina Barbie (Forteza) at Jak (Roberto) papuntang Japan. Sabi ko nga, maghahanap ako du’n (ng boyfriend)! Ha-hahaha! Joke! Looking forward ako sa bakasyon namin ito. Tsaka ang maganda rin po sa kanila, hindi ako nao-OP (out of place). Okay si Barbie na makisama.”
JERIC GONZALES
“Balak po naming mag-beach this Holy Week para makapag-unwind. Siyempre kasama ko po ang family, baka sa isang resort po sa Bataan kami pumunta. Favorite rin po kasi namin ang beach kaya susulutin ang bakasyon bago bumalik sa work.”
MICHAEL V
“Hi guys! Bago kayo matulog, isa munang pampagising! First time ko sa Switzerland kaya pakiramdam ko ang yaman-yaman ko. Feeling ko I’m Zu-rich!” ‘Yan ang paandar ni Bitoy sa kanyang Instagram video pagdating niya sa Zurich kasama ang wife na si Carol at apat na anak na sina Milo, Yanni, Migo at Maypaul.