WALANG biyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit 3 ngayong Lunes hanggang sa Linggo.
At upang may masakyan ang mga pasahero, 140 bus ang ide-deploy sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.
Habang walang biyahe ay kukumpunihin ang mga tren at sistema bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng operasyon nito sa Abril 22.
“Hangad namin sa DOTr MRT-3 ang inyong ma-ginhawang biyahe habang isinasagawa ang kinakailangang pagmimintina at pagkukumpuni sa ating train system,” ayon sa pamunuan.
Ang drop-off at pick-up points ng mga bus sa Abril 15-17 at Abril 20-21 ay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.
Ang mga bus ay magsasakay sa MRT station o lugar na malapit dito. Ang pamasahe ay kasing halaga ng pasahe sa tren.
MOST READ
LATEST STORIES