Tips para iwas sa pagkaing nakakalason

TUWING tag-init, maraming kaso ng food poisoning ang naiuulat.

Ito ay dahil sa madaling mapanis ang mga pagkain tuwing masyadong mainit ang panahon, at lalo pang tumataas ang tsansa ng food poisoning kapag hindi maayos ang pagkakaluto.

Kaya dapat ingat sa pagkaing kakainin.

Narito ang ilang tips para makaiwas sa pagkakalason:

1. Mainit na pagkain ang piliin. Mas ligtas ang mga bagong lutong pagkain tulad halimbawa ng kumukulong sabaw.

2. Prito o inihaw. Mas mabilis masira ang mga pagkain na may sarsa lalo na yung may gata kaya para ligtas kumain na lamang ng pritong karne o inihaw na isda.

3. Tiyakin na malinis ang mga ginamit sa pagluluto, at mga gagamiting plato at kubyertos.

4. Limitahan ang pagkain ng may gatas.

5. Lutuing mabuti ang karne.

6. Piliin lang ang kakainin.

7. Mag-ingat sa pagkaing kalye. Masarap kumain ng fishball, queck queck at squidball pero dapat sigurado ka kung malinis ang sangkap na ginamit sa paggawa nito at pati na rin ang sawsawan.

Read more...