Pagda-Darna ni Maine pinalagan ng fans ni Alden


AYAW tigilan ng pamba-bash si Maine Mendoza.

Of late, pati ang pagkakasali nito sa search for new Darna ay pinag-initan ng fans ni Alden Something.

Ginawa itong napalaking issue.

Isang fan ni Maine ang sunud-sunod na rumatrat ng depensa para kay Maine.

“Ung mga haters ni Meng na anay. ilang araw na wala si A sa EB nanunuod padin sila tapos magagalit kapag nakita si Maine. Hahaha! Ang tatanga naman talaga. Kaya nga may ibang channel para ilipat nyo kung ayaw nyo ung nakikita nyo.”

“Ang sabihin nyo. inaabangan nyo lang talaga kilos ni Maine para may bago kayong bala na pang bash kapag nagkamali siya. Hahahaha! Mga tanga! Aminin nyo na kasi na si Maine talaga idol nyo kaya sa kilos nya kayo nakabantay!”

“Ganito kasi yan. Di nyo pwede diktahan mga casual viewers kung sino gusto nila pag usapan o panoorin. Wala din kayong magagawa kung d sila interesado kay A at nakay Maine ang atensyon nila kahit konting kembot lang nya pinag uusapan na!”

“Kagaya ng sa Darna. Wala namang nag push sa side namin na sya ang piliin, outside ng fandom nanggaling yung suggestion na yun at madaming nag aagree.”

Read more...