Kilalang aktor tinotopak kapag sunud-sunod ang eksena


SIGURO pagod lang ang isang sikat na aktor kaya kung minsan ay wala siya sa mood.

Ito kasi ang napapansin ng ilang katrabaho niya, nakasimangot na raw at hindi na nagsasalita kapag sunud-sunod ang ginagawa niyang eksena para sa bago niyang pelikula. May hinahabol daw kasing deadline ang production team ni direk kaya kailangan madaliin lahat.

E, parang hindi kaya ng sikat na aktor ang maraming sequences dahil humihingi siya ng ilang oras para matulog bagay na minsan ay hindi napagbibigyan dahil nga sa deadline.

Ang ending nakasimangot at tumatahimik na lang ang sikat na aktor. Pero kapag nakapagpahinga naman daw ay balik na ito sa dating gawi, nangungulit na at panay ang tawa.

Mahusay si sikat na aktor sa lahat ng role na ibigay sa kanya at malalim siyang mag-isip kaya siguro dapat alalay ulit ang taga-production para hindi topakin.

May regular show ang aktor at may upcoming movie rin siya kung saan makakasama niya ang sikat ding aktres.

Read more...