Bahagi ng kinikita nina Arjo at Ria iniipon ni Sylvia


MAY kapaniwalaang “kung ano ang puno ay siyang bunga.”

If this is a widely accepted biological fact, pasok sa banga ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde na siyang mga bunga mula sa “Atayde tree” ng mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Hindi na kataka-taka kung bakit lumaking magalang, edukado at mabait sina Arjo at Ria as they inherited their genes from their parents.

Sa mangilan-ngilang pagkakataong nakakausap namin ang patriarch ng pamilya, Art is the type of a husband who simply watches from a distance while taking pride in the many achievements of his wife.

Ganoon din siya bilang ama to his kids, never throwing his weight around para masabing he’s as much a celebrity.

Palibhasa may sariling career, Sylvia, on the other hand, is a silent yet supportive mother. Pero huwag ka, where her family’s welfare is concerned ay du’n na lang niya babasagin ang kanyang hulmahan.

Like the mom, on their own ay nagbibilang din ng mga acting achievements sina Arjo at Ria kung paanong they’ve become independent and self-sufficient.

A fraction ng kanilang showbiz earnings is under Sylvia’s safekeeping para ipamulat sa kanila ang kahalagahan ng pag-iimpok while young and active.

If such lessons ang ini-impart ng mag-asawang Art at Sylvia to their children, it won’t come as a surprise if Arjo, Ria and the others will live comfortable lives someday.

Read more...