True ba, Dennis, Jennylyn magka-live in na?

MARIING itinanggi ni Jennylyn Mercado na nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa nakaraang presscon ng bagong primetime series ng Kapuso Ultimate Star, ang Love You Two, ibinalita niya na all-out pa rin ang support sa kanya ni Dennis pagdating sa kanyang negosyo.

Habang wala pa siyang proyekto sa GMA 7 ay pinasok muna ng aktres ang paggawa at pagbebenta ng cookies na sikat na sikat na ngayon at parami pa rin daw nang parami ang umoorder sa kanya.

“Lahat naman ng projects na ginagawa ko, yung mga business na ginagawa ko, lahat yun, partner ko si Dennis,” kuwento ni Jennylyn nang makachikahan ng entertainment media sa mediacon ng Love You Two.

At dahil nga business partners din ang dalawa ay may lumabas na chika na nagsasama na sila sa isang bahay. Kaya ang sunod na tinanong sa Kapuso actress ay kung totoong nagli-live in na ba sila ni Dennis.

“Ay! Hindi po,” mabilis na tanggi ni Jennylyn. Napapadalas lang daw si Dennis sa bahay niya dahil nga tinutulungan siya sa kanyang negosyo pero umuuwi pa rin daw ang Kapuso Drama King sa sarili nitong bahay.

Anyway, magsisimula na ang Love You Two sa April 22, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

Read more...