Laplapan ni Angel sa ‘Glorious’ tatalbugan ni Mylene sa ‘Belle…’

SPEECHLESS kami nang ipakita sa amin ni Atty. Joji Alonso ang full trailer (draft) ng pelikulang idinirek niya for 2019 Cinemalaya na may titulong “Belle Douleur” nina Kit Thompson at Mylene Dizon.

Mala-“Glorious” kasi ang mga eksena sa pelikula, pero mas palaban at mas daring ang “Belle Douleur” dahil talagang may hubaran ang dalawang bida bagay na hindi ginawa nina Tony Labrusca at Angel Aquino sa kontrobersyal nilang pelikula.

Paano napapayag ni Atty. Joji si Mylene na gawin ang mga eksenang makakabuhay ng katawang lupa ng mga babaeng nasa edad 40 na.

“Maganda ang story ko Regs. When I sat down with Mylene, we discussed the limitations. And there was trust. Tsaka I did not go beyond the set limits,” paliwanag sa amin ng direktora at producer.

Sobrang ingat naman daw si Atty. Joji sa mga eksena ni Mylene at maging ang aktres ay maingat din sa sarili.

“May bra top siya each time. Magaling si Kit diyan. Binantayan ko talaga. Kasi dapat hindi siya lamunin ni Mylene sa mga eksena nila,” saad pa.

Tinanong namin bakit French ang title ng pelikula at sabi ni Atty. Joji, na-inspire siya sa istorya ng isang French woman na hindi niya kilala.

Nabasa raw niya ang kuwento, “Sa Facebook. May-December affair. Then may isinali akong mga personal stories I’ve heard over the years. Stories siya ng maraming kababaihan,” paliwanag niya sa amin.

Bagama’t may librong “Belle Douleur” na isinulat ni Mellisa Clair Bourgeois ay hindi raw naman dito ibinase ang kuwento ng movie ni Mylene.

Hindi namin ikukuwento kung ano ang mga eksenang napanood namin dahil hindi pa ito nare-release at ayaw naming i-preempt, pero grabe ang ganda!

Mas nakakaengganyo pa itong panoorin dahil sa soundtrack na “La Vie en Rose” na version nina Laura at Anton.

Abangan n’yo na lang sina Mylene at Kit sa pelikulang “Belle Douleur” sa pagbubukas ng 2019 Cinemalaya Film Festival sa Agosto.

Read more...