NAGKAMALI ng interpretasyon ang marami sa naging laman ng resolusyon ng kasong qualified theft na ihinain ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis sa piskalya ng Mandaluyong City.
Inakala ng iba na lahat ng mga kasong isinampa ni Kris laban sa dati niyang empleyado ay tapos na, iniurong na ni Kris ang pagkakaso, pero hindi ganu’n ang senaryo.
Tanging ang kaso lang sa piskalya ng Mandaluyong ang nagkaroon ng ganu’ng resulosyon, hindi dismissed ang kaso dahil habang dinidinig ang usapin ay nag-withdraw na si Kris, ganu’n ang sabi sa resolution.
Mas maraming nagpapalagay na naamuyan ni Kris ang pagkatalo niya sa Mandaluyong, tulad din ng nangyari sa Makati at sa Pasig City, kaya hindi pa man ay binawi na niya ang asunto laban kay Nicko Falcis.
Kesa nga naman sa dismissed ang kasong ihinain niya ay mas magandang mag-withdraw na lang siya, malinis ang kanyang kartada sa pagdedemanda.
Pero tuluy-tuloy pa rin ang kanilang kasuhan sa Manila, San Juan at Quezon City, ang sinasabi ni Gretchen Barretto na maipananalo ng aktres-TV host, dahil malakas siya sa mga naturang siyudad.
Paglalarawan ng isang mulat na direktor kay Kris, “Si Kris pa? Alam niya ang mga ginagawa niya. Gagawa siya ng isang positive decision, pero hindi para sa ibang tao ‘yun, kundi para sa kanya!”
Sigurista raw si Kris.