Dalagita natagpuang patay

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pulisya ang ikinasawi ng 15-anyos na dalagitang natagpuang patay sa Lipa City, Batangas.

Nadiskubre na lang umano ng isang kaanak na walang buhay ang dalagita, sa Rosewood II Subd., Brgy. San Lucas, Biyernes ng umaga, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Kinakitaan ang dalagita ng mga hinihinalang tanda ng pananakal sa leeg, ayon sa pulisya. 

Read more...