Ken niregaluhan ni Rita: Matagal ko na itong hinahangad

RITA DANIELA AT KEN CHAN

Hiling ng Kapuso viewers, sana’y bigyan agad ng follow-up project together sina Rita Daniela at Ken Chan after ng success ng kanilang soap na My Special Tatay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ng mga manonood ang tambalan nina Rita at Ken sa My Special Tatay bilang sina Aubrey at Boyet.

Sa kanilang serye rin nabuo ang special friendship ng dalawa. Sa pagtatapos nga ng kanilang TV series binigyan pa ni Rita ng regalo ang kanyang kapartner, isang Holy Bible.

“Namiss kita @missritadaniela at sa muli nating pagkikita binigyan mo ako ng regalo na matagal ko nang hinahangad,” tweet ni Ken.

“Naghihintay talaga ako ng isang taong magbibigay sa akin nito dahil sabi nila mas mabuti daw kung iniregalo sayo ang isang bible at ikaw yun. Mahal kita alam mo yan!” pasasalamat pa ng Kapuso actor kay Rita.

Read more...