Gretchen kayang tablahin ang lahat para kay Dominique

DOMINIQUE COJUANGCO AT GRETCHEN BARRETTO

Tahimik ngayon si Gretchen Barretto. Ilang buwan din siyang pinagpistahan sa social media dahil sa lantaran niyang pagkampi sa kalaban ni Kris Aquino na si Nicko Falcis.

Nasundan ‘yun ng pagkakampihan nila ng bunso niyang kapatid na si Claudine, ang kapatid nilang si Marjorie ang kanilang kalaban, malaking toxic daw sa buhay niya si Marjorie.

Pero biglang nanahimik ang mundo ni Gretchen, tahimik din ang kanyang mga social media accounts, ano nga kaya ang pinagkakaabalahan ngayon ng kontrobersiyal na aktres?

“Kapag kailangan ng anak niyang si Dominique ang time niya, kayang talikuran ni Gretchen ang lahat-lahat ng ginagawa niya. Maglambing nga lang ang anak niya na nami-miss siya, e, lipad na agad si Gretchen sa London!

“Ganu’n katindi ang ibinibigay niyang time at concern sa anak niya. Basta si Dominique na ang naglambing, kahit si Mr. Tony Boy, kaya niyang tablahin!” kuwento ng aming source.

Selektibo rin ang pagpapakontrobersiyal ni Getchen. Kapag gusto lang niya kung sino ang kanyang aawayin. Hindi siya palaaway, may pagkasawsawera siya, pero pinipili lang din niya ang isyung pakikisawsawan niya.

Read more...