Miyembro ng Ex-Battalion umaming nagkasala kay misis: I’m not perfect

JON GUTIERREZ AT JELAI ANDRES

BUONG tapang na inamin ng kontrobersyal na miyembro ng Ex-Battalion na nagkasala siya sa kanyang asawa.

Sa ginanap na mediacon para sa launching movie ng Ex-Battalion, ang “Sons Of Nanay Sabel (S.O.N.S.)” kung saan makakasama rin ng grupo ang manager nilang si Ai Ai delas Alas, nagsalita si Jon Gutierrez about his marital problem.

Ayon kay Jon na kilala rin sa social media bilang si King Badger, hindi totoong hiwalay na sila ng asawang si Jelai Andres dahil sa third party. Ayon sa kumalat na chika, nagkaroon umano ng “other woman” ang talent ni Ai Ai kaya nawasak ang relasyon nila ni misis.

“I just wanna say na nobody’s perfect, I am not perfect. I made a mistake but right now I’m in the process of sorting it out with my wife. I’m trying to save my marriage but, like I said, everyone makes mistakes,” unang paliwanag ni Jon.

Pagpapatuloy pa niya, “Any questions about my wife, please don’t ask it. That’s the last question I’m going to answer about it because that’s too personal. Thank you.”

Last year lang ikinasal sina Jon at Jelai at kamakailan nga ay naging trending topic sa social media ang marital status nila nang dahil sa ibang babae.

Samantala, nagsalita rin si Ai Ai sa “S.O.N.S.” presscon tungkol sa kontrobersiya bilang manager ng Ex Battalion. Aniya, parang tunay na anak na ang turing niya sa grupo na binubuo nga nina King Badger (Jon), Daryl, Archie, Emcee Rhenn, James at Mark.

Sey ng Comedy Queen, “Minsan (magagalit) pero parang pamilya din ‘yan, ‘di ba? Hindi naman lahat ng mga anak mo nasa magandang mood every day.

“Minsan may mga topak-topak din sila, tatanggapin mo lang ‘yun kasi nanay ka, e. Unconditional love ‘yung ibibigay mo. Mabubuwisit ka pero later on mamahalin mo sila ulit,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Yung tungkol kay Jon, lahat ng may mga asawa rito or lahat ng mga may asawa sa buong Pilipinas at buong mundo, napakaplastik naman natin kung sasabihin natin na ang pagsasama natin 100% masaya.

“Lahat naman ng mag-asawa nagkakaproblema. So ang payo ko sa kanila, ayusin nila and yung mga tsismis at mga live (Facebook) diyan sa social media.

“Ganu’n naman basically mga Pinoy, mahilig sa tsimis pero lahat tayo na may mga asawa ang pinakagusto natin, ayusin yung mismong problema. So kasalukuyan namang inaayos nila yung problema,” aniya pa.

Read more...