Makatwiran ang perspective ni Arjo Atayde never to touch on anything about his rumored girlfriend Maine Mendoza kung hindi naman ito kasama sa proyektong ipino-promote niya.
On at least two recent occasions ay “tablado” ang entertainment press sa tanong kung kumusta na sila ni Maine. Puro “no comment” ang isinagot niya sa lahat ng questions about his lovelife.
Aside from being an act of chivalry, umiiwas lang si Arjo na masabihang ginagamit niya si Maine to his advantage.
May gusto lang siguro siyang patunayan kay Maine at sa lahat ng mga fans ng dalaga na hindi boto sa kanya.
Sa nakaraang pa-thank you ng mag-iinang Sylvia Sanchez, Arjo at Ria ay muling sinabi ni Arjo na kung maaari’y mga projects na lang niya ang pag-usapan.
After all, worth writing about naman ang kanyang Bagman series, “Stranded” movie as well as his exposure in The General’s Daughter.
Tanda lang ‘yon ng pagiging marespeto ni Arjo sa mga bagay which he should be grateful for.