NOONG isinipot sa mundo ang kambal na sina Pepe at Pilar ay hindi sila ipinagbuntis ni Korina Sanchez by her husband Mar Roxas.
Nagkaroon ng intervention ang modern science that made it possible for Korina to experience the limitless joys of motherhood.
At our simple birthday celebration, hindi si Korina ang paksa ng aming tsikahan with college friends at a popular hub on Nakpil St. in Manila kundi si Ai Ai delas Alas.
Bagama’t we were two batches ahead of her sa kolehiyo, nagsama-sama na kaming iisa ang kurso who eventually became magkukumare o magkukumpare.
Anyway, scoop ito ng isa naming kabarkada tungkol kay Ai Ai na anytime soon ay magkakaroon na ng supling by her husband Gerald Sibayan. Ai Ai’s case is far from Korina’s dahil ang sa komedyana, siya mismo will carry the child in her womb.
Sa katunayan, merong three fertilized eggs din Ai Ai waiting to be planted. Ang bawat itlog ay katumbas ng isang pagsubok.
If sa unang attempt ay sumablay, she has two eggs left. Kung halimbawa namang umubra ang unang itlog, maghihintay na lang siyang mag-conceive until she gives birth.
Kung matatandaan, ‘yun naman ang panalangin ni Ai Ai more than her plan shortly after their wedding.
This was met, however, by cynicism: sa edad daw bang ‘yon ni Ai Ai ay may kakayahan pa ba siyang magdalantao? Sa panahon ngayon, nothing seems highly impossible.