SA dami ng problemang kailangan ayusin sa ating trapiko, minsan tinututukan ng mga kinauukulan ang mga komplikadong bagay at nawawaglit sa pansin ang maliliit na bagay na siya mismong sanhi ng sakit ng ulo.
Isa dito ay ang tinatawag na vanishing lanes sa EDSA. Ito yung mga lanes na unti-unting nawawala ay nagiging sanhi ng pagbulumbun ng trapiko sa mga convergence points nito.
Ano po ba ang mga vanishing lanes na ito? Isang halimbawa ay ang approach sa Santolan Flyover galing sa Tuazon underpass sa bandang Kaliwa.
Kung mapapansin ninyo, ang leftmost lane ay nawawala ay sumasanib sa katabing lane bago umakyat ng flyover. Dito ang isang matinding bottleneck sa EDSA na hirap ayusin ng mga traffic guys natin.
Meron din sa pagakyat ng Ayala tunnel papuntang Buendia flyover na nawawala at sumasanib sa kanang lane. Dito pa naman ang isang heavy congestion area sa EDSA kaya ang northbound lane ng EDSA sa Ayala underpass ay laging barado.
Isa pa ay ang papuntang Ortigas Flyover northbound sa tapat ng DBP. Nagsisiksikan ang mga sasakyan sa kaliwa at naggigirian sa puwesto kaya ang Shaw underpass ay laging masikip at mabagal.
Sa totoo lang, ang engineering ng EDSA ay isa sa pinakamalaking sakit ng ulo pag dating sa trapiko pero mukhang hindi ito tinutuunan ng pansin ng mga traffic regulators natin.
Walang freefoow sa EDSA kaya laging sapak at mabagal at barado ito.
Sana tignan din ang mga simpleng solusyon na mas makakagawa ng solusyin kaysa mga high flying ideas na ang hirap ipatupad.
Para sa komento o suhestiyon sumulat lamang sa iris.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com