MADALAS na nakukulong ang tao dahil sa kanilang mga masamang gawain.
Kakaiba naman ang naging kaso ng OFW natin sa Hongkong. May sakit na cancer ang kanyang employer kung kaya’t minabuti niyang siya na lamang ang mag-aasikaso ng tindahan ng kanyang amo.
Pero nahuli siya sa aktong nagtatrabaho sa naturang tindahan. Paglabag sa “breach of conditional stay” ang i-kinaso sa kanya.
Mahigpit na ipinagbabawal kasi sa Hong Kong ang pagtatrabaho bukod pa sa kung ano ang nakasaad sa kontrata.
Kung pagiging domestic helper ang nasa kontrata, sa bahay lamang dapat siyang nagtatrabaho at hindi pwede sa tindahan.
Sa kabila naman ng paglabag ng OFW sa naturang batas, pinili niyang maging mabait at tulungan ang kanyang amo dahil sa awa niya dito.
Dahil may batas na nilabag ang OFW, naha-tulan pa rin siya ng anim na buwang pagkakulong.
Sa ganang amin, maipagkakapuri pa rin ang ating OFW dahil kahit makulong siya, nangyari ito dahil sa paggawa niya ng mabuti.
Hindi ito tulad ng maraming mga nakukulong dahil sa pangsari-ling mga kasakiman tulad ng pagbibitbit ng iligal na droga, pagnanakaw at iba pang krimen.
vvv
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapa-kinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.