Tunay na pagkatao ng ex-journo cum PR lantad na | Bandera

Tunay na pagkatao ng ex-journo cum PR lantad na

Den Macaranas - April 12, 2019 - 12:30 AM

MAHIHIYA ang mga obispong political analyst sa galing magpanggap ng isang dating journalist na ngayon ay self-proclaimed PR guru sa pagiging self-righteous.

Lahat ng tao sa administrasyon ay masasamang nilalang kung siya ang inyong tatanungin samantalang ang kanilang grupo naman ang pag-asa raw ng inang bayan.

Kahit sadsad sa mga survey ang kanyang mga alagang manok sa halalan ay napapaniwala pa rin ng ating bida na nasa tamang landas ang direksyon ng kanilang kandidatura.

Marahil ay hindi nga nila kilala ang pagkatao ng nasabing “PR guru”.

Throwback tayo, ilan taon na ang nakalilipas ay naging laman ng mga balita ang dating mamamahayag.

Ito ay makaraan siyang akusahan na arsonista at utak diumano sa isang malaking sunog na naganap noon sa Quezon City na ikinamatay ng anim katao.

Kabilang sa mga namatay ay ang dating girlfriend ng ating bida, kanilang anak at apat na iba pa na pawang mga kaanak ng dating karelasyon.

Madaling araw nangyari ang sunog at siya ang sinasabing huling nakitang lumabas sa nasabing tahanan.

Bago ang nasabing sunog ay may narinig na nag-aaway sa loob ng kanilang tahanan ang mga kapitbahay na kaagad na nagbigay ng pahayag sa mga arson investigators.

Pero dahil sa impluwensiya ay nalusutan umano nito ang kaso pero naniniwala ang mga kaanak ng namatay sa sunog na darating din ang araw at makakamit rin nila ang hustisya.

Marahil ay malapit na ang araw na iyun dahil unti-unti na ring nalalantad sa publiko ang tunay na pagkatao ni “Kalbo” na kilala rin sa pagiging bukolero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang PR guru na bida sa ating kwento ngayong araw si Mr. P…as in Panutsa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending