Miles natakot gumanap ng babaeng sinaniban sa ‘Maledicto’

MILES OCAMPO

BABAHA ng horror movies sa buwan ng Mayo dahil tatlong pelikulang katatakutan ang nakalinyang ipalabas.

Unang sasalang ang “Maledicto” na first local film production ng Fox Network Groups PH na mapapanood sa Mayo 1.

Bibida rito sina Tom Rodriguez (gaganap na pari), Jasmine Curtis-Smith (na gaganap na madre) at Miles Ocampo (ang biktima ng sanib).

Kasunod nito ang inaabangan ng mga Sharonians, ang unang all out horror film ni Sharon Cuneta na “Kuwaresma” mula sa Reality Entertainment.

Unang pagsasama bilang actor-producer nina Shawie at direk Erik Matti. Makakapareha din ng Megastar sa unang pagkakataon ang magaling na aktor na si John Arcilla.

After “Buy Bust”, ito na ang kasunod na malaking pelikula ni Erik Matti. Ang last horror movie niya ay ang blockbuster na “Seklusyon” na nakasali sa Metro Manila Film Festival.

Sa huling linggo naman ng Mayo mapapanood ang first movie ng loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay ang “Banal” mula sa APT Entertainment.

Abangers na lang tayo kung mababago ng horror genre ang panlasa ng manonood para sumugod sa mga sinehan ngayong summer season.

Speaking of Miles Ocampo, hindi raw siya dumaan sa audition, handpicked siya para sa role na biktima ng sanib.

“Napili po nila ako. Noong una, natakot ako. Para bang hindi ako kumportable. Parang nagdalawang-isip akong tanggapin ang project.

“Sabi ko, sige, pabasa muna po ako ng script. Noong nabasa ko ang script, ang ganda ng story at yun nga, collaboration ito ng Cignal at Fox Philippines. Talagang ang laking project niya,” kuwento ni Miles.

Read more...