Political ceasefire hirit ni Imee

NANAWAGAN ng political ceasefire si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga kandidato ngayong nalalapit na Semana Santa.

Ayon kay Marcos, kandidato sa pagkasenador, na makabubuting itigil muna ang lahat ng uri “bakbakan”, kabilang ang mga patutsadahan sa pagitan ng mga naglalabang pulitiko at bigyang daan ang panahon ng pagninilay-nilay.

“Siguro naman hindi kabawasan sa ating lahat na kahit sandali ay makapagnilay tayo lalu na ngayong Holy Week. Magkaisa tayo at kilalanin ang paghihirap ni Hesu Kristo,” paliwanag ni Marcos.

Ang panawagan ni Marcos ay bunsod na rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng mga kandidato na tumatakbo sa national at local elections.

“Dapat ‘political ceasefire’ muna tayo! Kahit na papaano, malaking tulong ito kung sa pagsapit ng Holy Week ay magkaisa tayong lahat kabilang na ang ating mga constituents, at maging daan ito para lalung maging mapayapa ang darating na eleksyon sa Mayo13,” panawagan pa ni Marcos.

Read more...