Tisay na aktres masama ang ugali kaya nakarma; nagmamakaawa na lang sa mga talent coordinator

Tiyak na magwawala na naman sa social media ang tisay na aktres dahil maski na anong parinig at papansin niya ay hindi man lang siya binigyan ng importansiya ng kanyang dating nakarelasyon.

Kasi naman may attitude pala ang tisay na aktres at maski ang mga nakatrabaho niya ay hindi rin siya gusto. Kaya pala wala siyang regular show ngayon at panay ang tawag sa mga kakilalang talent coordinator na baka puwede siyang isama sa out of town shows.

As of now ay namomroblema ang tisay na aktres sa pambayad ng bills, renta, pagkain ng pamilya niya na sa kanya lahat umaasa. Dati naman kasing may work ang nanay na hindi namin alam kung bakit huminto na.

Sa totoo lang, nakakaawa talaga ang tisay na aktres, sana lang matuto niyang baguhin ang ugali para dumami ang offers niya.

The who si tisay na aktres? Actually may itsura siya, hindi nga lang pangbida, hanggang supporting lang.

Read more...